Pressure Cooker 2

pressurecookertpc1835-500x500
photo from edgi.com.my

Sa wakas ay nakabili rin kami ng pressure cooker. 4 quarts ang capacity, Hanabishi ang brand. Halos kalahating taon kaming nagpa-urong sulong para mag-delay of gratitude para masiguradong hindi lang dahil sa whims namin na bibili kami ng isang bagay na pagsisisihan namin sa bandang huli.

6 na buwan. Siguro naman ay justified na justified na ang pagkakabili namin nito lang nakaraang year end break.

Tuwang tuwa ako kapag ang karneng niluluto ko noon ng mahigit isang oras ay nagiging 20 minuto nalang. Wala ng laban ang karneng karaniwang kapit na kapit parin sa buto kahit ‘sang dekada mo pang pakuluan. Siguradong matutuwa sa akin ang sino mang de-pustiso na mapadpad sa bahay para kumain.

Ultimo patatas na paborito kong sahog sa nilaga at adobo ay chicken na chicken. Di mo na nga kailangang hiwain. Balatan mo lang tapos 10 hanggang 15 minuto kaya ng kagatin ng bata sa lambot.

May down side nga lang ang pagkakaluto ng ulam sa pressure cooker. Oo at madali ng palambutin ang karne. Pero iba parin yung pinakuluan ng matagal. Mas nanunuot yung lasa ng mga rekado sa karne at gayun din ang karne ang mga rekado sa sabaw. Ang akala ko nung una, kapag napalambot na ang karne sa pressure cooker e ‘matic na nahahalo narin ang lasa sa sabaw. Syempre meron parin, amoy karne at lasang karne parin pero iba yung pinakuluan ng matagal, lalo na kapag gumamit ka ng kahoy bilang panggatong imbes na kalan.

Pero ganun pa man e efficient sya, cost-wise at time-wise. Taas kamay ako don. Dahil dito ay may karapatan na akong tawagin ang sarili kong siga sa kusina. Syempre, mas pogi ata ang tatay na marunong magluto!

At kung napansin mo, wala ni isang ideyang maglilink sa akdang ito sa naunang pressure cooker na sinulat ko.

Welcome to incoherence. Manifestation marahil ito ng utak na suki na ng pressure cooker.

Advertisements