Is It Really Me?

Is it that this gray matter in between my ears is just tricking me to believe that what I’m writing is really me?

Hindi ko alam kung naobserbahan mo na sa sarili mo ang sinasabi ko. Pero sa akin ay madalas kong itanong ito sa sarili ko.

Minsan, sa kagustuhan kong magkaroon ng  laman ang bago kong site ay kung anong maisip ko ay nilalagay ko, maging ito ay kapakipakinabang, kaululan o mga kalokohan (mahigit 200 post ang hahabulin ko kung gusto kong habulin ang stat ng nauna kong blog).

Pero madalas ay nagdududa ako sa aking mga sinusulat. Mukhang wala naman talaga akong mensaheng gustong iparating. Bakit kung anu-ano lang na kabulastugan imbes na kapakipakinabang? May karapatan ba talaga akong magsulat?

Di ko rin mawari minsan kung self-serving ba talaga ang magsulat o dapat magsulat ka para sa ibang tao. May mga pangarap akong umunlad sa pagsusulat syempre. Pero maaaring nakatoon lang ako sa “end result” imbes na tutukan ko ang journey that leads me to the desired results kaya madali akong panghinaan ng loob sa pagsusulat ngayon.

May gusto akong marating sa pamamagitan ng pagsusulat pero ang saklap na di ko makita pa ang hinahanap ko, o sadyang di ko mawari. Isa rin ito sa mga rason kung bakit pansamantala akong tumigil magsulat.

O baka naka-focus nanaman ako sa pagdududa sa pagsusulat ko imbes na tumahimik na lamang ako at basta magsulat ng magsulat.

Siguro sa pagsusulat kong ito e, aimless ako. Bahala na, anurin man kung saan, sasabit at sasabit din. Marahil ay hindi ako deliberate sa ginagawa ko kasi di ko makita yung buong hagdan paakyat bagkus ay isang step lang ang nakikita ko. Baka wala lang akong faith sa process. Pero ang hirap naman nun. Ni hindi ko nga alam yung process tapos pagkakatiwalaan ko pa?

Magulo ba? Hahaha oo magulo ka nga boy!

Got something in your mind? Be generous. Leave this page with an afterthought in your gray matter and comments in this prompt.

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.